Kahusayan sa Komunikasyon ng mga Mag-aaral sa Filipino
Keywords:
Kahusayan, komunikasyon, mag-aaral, FilipinoAbstract
Ang pananaliksik na ito ay naglayong alamin ang kahusayan sa komunikasyon sa Filipino ng mga mag-aaral sa ikatlong taon ng Bachelor of Science in Marine Transportation (BSMT) sa isang pribadong maritime school sa lungsod ng Bacolod. Gamit ang deskriptibong disenyo, siniyasat ng pag-aaral ang antas ng kahusayan ng mga mag-aaral sa apat na aspekto ng komunikasyon: pag-unawa sa wika, proseso ng komunikasyon, tungkuling pangwika, at wastong paggamit ng salita. Ang mga respondente ay binubuo ng dalawang daan at labing-tatlong (213) mag-aaral mula sa ikatlong taon ng BSMT na pinili gamit ang stratified random sampling. Isang talatanungang binubuo ng apatnapung (40) aytem ang ginamit upang makalap ang datos tungkol sa propayl ng mga respondente at sa kanilang antas ng kahusayan. Ginamit ang frequency count, mean, at t-test sa pagsusuri ng mga nakalap na datos. Ipinapakita ng mga natuklasan na ang mga respondente ay may edad na dalawampu't dalawa (22) pababa o limampu't apat na porsyento (54%), may kita ng pamilya na dalawampu't isang libo at apat na raan (21,400) pesos pababa o pitumpu't pito punto limampung bahagdan (77.50%), at nagmula sa pribadong paaralan ng hayskul ay limampu’t anim punto walong porsyento (56.8%). Sa pangkalahatan, mababa ang antas ng kanilang kahusayan sa komunikasyon sa Filipino na may mean na tatlo (3), partikular sa aspekto ng pag-unawa sa wika, proseso, at tungkuling pangwika. Tanging sa wastong paggamit ng wika lamang sila nakakuha ng mataas na marka, na nangangahulugang mataas na antas ng kasanayan. Mayroon ding makabuluhang pagkakaiba sa kanilang kahusayan batay sa edad, kita ng pamilya at pinagmulang paaralan. Iminumungkahi ng pag-aaral na repasuhin ang kurikulum at istratehiya sa pagtuturo ng Filipino upang lalong mahasa ang kahusayan ng mga mag-aaral. Mahalagang bigyan sila ng maraming oportunidad sa pagsasanay, lalo na ang mga mag-aaral na nahuhuli sa talakayan. Ipinakikita rin nito ang pangangailangan ng pakikipagtulungan sa pamilya at komunidad upang mapalawak at mapalaganap ang paggamit at pagpapahalaga sa wikang Filipino.
References
Bernales, R. (n.d.). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Brown, R. (2021). Strategic stories: How 3M is Rewriting Business Planning. Harvard Business Review.
Constantino, R. (2015). Intelektuwalismo at Wika. Daluyan: Journal ng Wikang Filipino, (1).
Daza, J. (2021, December 9). Kaantasan ng Pagkatuto ng mga Mag-Aaral sa Asignaturang Filipino Tugon sa Makabagong Estratehiya sa Pagtuturo ng Wika at Panitikan sa Panahon ng Pandemya. ResearchGate. https://www.researchgate.net/publication/356893311_Kaantasan_ng_Pagkatuto_ng_mga_Mag-aaral_sa_Asignaturang_Filipino_Tugon_sa_Makabagong_Estratehiya_sa_Pagtuturo_ng_Wika_at_Panitikan_sa_Panahon_ng_Pandemya
Halliday, M. A. (2019). Linguistic Function and Literary Style: An Inquiry into The Language of William Golding's The Inheritors. In Essays in Modern Stylistics (pp. 325-360). Routledge.
Jean, S., Cho, K., Memisevic, R., & Bengio, Y. (2014). On Using Very Large Target Vocabulary for Neural Machine Translation. arXiv preprint arXiv:1412.2007.
Kuperberg, G. R., & Jaeger, T. F. (2016). What Do We Mean by Prediction In Language Comprehension? Language, Cognition and Neuroscience, 31(1), 32-59.
Saniel, A. F. (2022). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. ourSOUL Teaching-Learning Resources.
Trinidad, A. D. (2023). May Puwang ka pa ba? Paggalugad sa Saloobin Hinggil sa Paggamit ng Filipino sa mga Piling Asignatura ng GEC (General Education Curriculum).