Epekto ng Online Learning Modality sa Nagtatrabahong Mag-aaral sa Kolehiyo
Keywords:
Epekto, Online Learning Modality, nagtatrabahong-magaaralAbstract
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang mga epekto ng online learning modality sa mga nagtatrabahong mag- aaral sa kolehiyo. Ito ay mas pinalalim pa ng mga mananaliksik na bigyang sapat na solusyon ang mga hamon na kinakaharap sa mga nagtatrabahong mag-aaral habang sila ay nagtatrabaho at dito malalaman kung ano ang kanilang mga hamon na kinakaharap sa kanilang pag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay ginagamitan ng deskriptibong Husserlian Phenomenology upang makakuha ng mas malalim na pag-unawa sa mga hamon ng mga nag-tatrabahong mag-aaral. Ang kabuuang respondente ay anim (6) na mag-aaral mula sa kolehiyo sa ikatlong taon ng kursong Bachelor of Secondary Education na nagmula sa isang local na City College. Ang mga nasabing respondente ay may edad na labing walong taong gulang (18). Sa pamamagitan ng mga tagatugon na ito, naniniwala ang mga mananaliksik na mabigyan ng kasagutan at katarungan ang layunin ng isinagawang pag-aaral. Nais man ng mga nagtatrabahong mag-aaral na magkaroon ng face-to-face class ngunit nangibabaw na maganda ang online learning modality sa kadahilanan na hindi na kailangang bumiyahe at hindi magastos. Marami mang hamon tulad ng mahinang internet connection at kung paano babalansehin ang kanilang oras kaya nagkakaroon sila ng problema ngunit ang bawat respondente ay may kanya- kanyang paraan upang makapasok sa klase. Tulad ng pagbabalanse ng kanilang oras, paggawa ng planer, at pagdidisiplina sa sarili. Pinapatunayan ng mga respondente na hindi hadlang ang pagtatrabaho upang huminto sa pag- aaral, maraming paraan upang ipagpatuloy ang pag-aaral. Base sa natuklasang pag-aaral, may magandang naidulot ang online learning modality sa mga nagtatrabahong mag-aaral dahil nababalanse nila ang kanilang oras sa pagtatrabaho habang sila ay nag-aaral. Hindi naman nahihirapan ang mga mag-aaral sa online learning modality sapagkat nariyan naman ang guro na handang gumabay para maisakatuparan ang epektibong pag-aaral.
English Translation.
The purpose of this study is to identify the effects of online learning modality on college students who are also working. Its main objective is to provide sufficient solutions to the challenges faced by working students while they are studying and working, and to understand what these challenges are. Descriptive Husserlian Phenomenology was used in this study to deepen understanding of the challenges faced by working students. The respondents of this study are six students from the third year of the Bachelor of Secondary Education program at a local City College. The respondents are eighteen years old. Through these respondents, the researchers expect to address the study's objectives. While working students desire to have face-to-face classes, they prefer the online learning modality because they no longer need to travel and incur lower expenses. Although there are challenges such as poor internet connection and time conflicts, each respondent has ways to continue their studies, such as planning their time and showing self-discipline. The respondents prove that work is not a hindrance to their education, and there are ways to continue their studies. Based on the findings, the online learning modality has a positive effect on working students because they can balance their time for studying while working. Students also do not find it difficult with the online learning modality because they have support from teachers to improve their studies.
References
Abalos, E. E., Rivera, R. Y., Locsin, R. C., & Schoenhofer, S. O. (2016). Husserlian
phenomenology and Colaizzi’s method of data analysis: Exemplar in qualitative nursing inquiry using nursing as caring
theory. International Journal of Human Caring, 20(1), 19-23.
Arnel Jr Clavero, A. M. N., Landicho, L., Alfonso, C., Nicole, G., Velarde, J. L., Garcia,
H. F., ... & Ebdane, D. B. (2022). Ang Epekto ng Pandemya sa Kalusugang Pangkaisipan ng mga Mag-aaral sa Senior High School sa Isang Pribadong Unibersidad sa Lungsod ng Maynila. Sustainable Development, 10(3), 117-125.
Dela Cruz, N. A. J. P. (2022) Gumuguhong tulay: Tiwala sa tersyaryang institusyon sa panahon ng pandemya. (n.d.). https://feuadvocate.net/gumuguhong
tulay- tiwala-sa-tersyaryang-institusyon-sa-panahon-ng-pandemya/
Dimas, V. D., Desaliza, L. F., Gabito, K. C., Mostera, J. M. B., & Estera, J. E. D. (2022).Modular Learning Modality: Karanasan ng mga Mag-Aaral Mula sa mga Liblib na Lugar sa Bayan ng Juban. Puissant, 3, 520-537.
Frigillano, S.D., Ciasico, E.S., & Nulada L.M. (2018). Lived Experience of On Campus Working Students. Open Science Journal of Education, 3(6), 38-42.
Llaneta, R. N. (2021). Paghahanda ng Sarili Bilang mga Irosanong Gurong Magulang: Hamon sa Paaralan at Tahanan sa Panahon ng Pandemya. Puissant, 2, 256-281.
Valeroso, G. L., & Largo, R. C. (2021) Istilo SA Pagtuturo Ng Mga Gurong Hindi Filipino Medyor. http://www.imjst.org/wp-content/uploads/2021/10/IMJSTP29120598.pdf
Weller, S. C., Vickers, B., Bernard, H. R., Blackburn, A. M., Borgatti, S., Gravlee, C.C., & Johnson, J. C. (2018). Open-ended interview questions and saturation. PloS one,13(6),e0198606.