MGA SALIK NA NAKAKAIMPLUWENSIYA SA PAGSASALITA NG WIKANG FILIPINO NG MGA CEBUANONG MAG - AARAL SA KURSONG EDUKASYON
DOI:
https://doi.org/10.5281/zenodo.16155249Keywords:
wikang Filipino, Cebuanong mag-aaral, integrasyon ng wika, wikang pambansaAbstract
Nilalayon ng pag-aaral na ito na tukuyin ang mga salik na nakakaimpluwensiya sa pagsasalita ng wikang Filipino ng mga Cebuanong mag-aaral sa kursong Edukasyon sa Cebu Eastern College. Gumamit ang mananaliksik ng deskriptibo-korelasyonal na disenyo upang suriin ang ugnayan sa pagitan ng kasanayan sa pasalitang komunikasyon at mga salik tulad ng saloobin, lawak ng talasalitaan, at antas ng pagkakalantad sa wikang Filipino. Ang mga datos ay nakalap mula sa 210 mag-aaral na pinili gamit ang Krejcie and Morgan Table, at nasuri gamit ang mga istatistikal na kasangkapan tulad ng weighted mean at Pearson r-correlation. Ipinakita ng resulta na ang mga mag-aaral ay may positibong saloobin sa wikang Filipino (mean = 3.32), mataas ang kasanayan sa talasalitaan (mean = 26.62), at lubos na nalalantad sa wika sa iba’t ibang konteksto (mean = 3.32). Bukod dito, lumitaw na “magaling” ang antas ng kanilang pasalitang pagganap (grand mean = 3.46). Ayon sa pagsusuri gamit ang Pearson r, may makabuluhang ugnayan sa pagitan ng oral na komunikasyon at saloobin (r = 0.580), talasalitaan (r = 0.703), at pagkalantad sa wika (r = 0.666). Ipinapakita nito na habang lumalawak ang bokabularyo at nagiging positibo ang pananaw sa Filipino, mas humuhusay ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasalita. Iminumungkahi ng pag-aaral ang pagpapatupad ng mga programang magpapatibay sa paggamit ng Filipino sa loob at labas ng silid-aralan, partikular sa mga aktibidad na pasalita, at ang integrasyon ng wika sa iba’t ibang asignatura upang mapalalim ang kaalaman at pagpapahalaga sa wikang pambansa.
References
Andres, T. D. (1991). Understanding Filipino values: A management approach. New Day Publishers.
Aquino, B. G. (2004). Pananaliksik: Gabay sa paggawa ng tesis. National Book Store.
Bautista, M. L. (2004). Tagalog-English code-switching as a mode of discourse. Asia Pacific Education Review, 5(2), 226–233.
Bernardo, A. (2005). Bilingual code-switching as a resource for learning and teaching. The Linguistics Journal, 1(1), 19–36.
Busalanan, C. (n.d.). Mga salik na nakakaapekto sa pag-unawa sa wikang Filipino ng mga mag-aaral sa EIM-A. Dr. Cecilio Putong National High School. Retrieved November 21, 2024, from https://tinyurl.com/5cnt33hr
Constantino, R. (1970). The miseducation of the Filipino. Malaya Books.
Dayag, D. T. (2010). Attitudes towards Filipino and English among Philippine bilinguals. Philippine ESL Journal, 4, 24–39.
Dela Peña, R. (2021, October). Boses ng kabataan: Hamon sa pasalitang Filipino. Tinig ng Mag-aaral (CEC High School Publication), 18–19.
Dicang, V. J. P., & Molina, H. B. (2023). Mga hamong kinakaharap ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino sa makrong kasanayan sa pagsasalita. Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies, 3(12), 161–175. https://doi.org/10.47760/cognizance.2023.v03i12.014
Dita, S. N. (2009). The Filipino bilingual's competence in academic discourse. Philippine Journal of Linguistics, 40(1), 34–47.
Espiritu, C. (2005). Kasanayan sa komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Filipino. Vibal Publishing.
Gacia, R. (2018). Oral proficiency among preservice teachers in Cebu: A correlational analysis. Southeast Asian Linguistics Journal, 11(3), 45–60.
Gonzalez, A. (1998). Language and nationalism: The Philippine experience thus far. Ateneo de Manila University Press.
Gutierrez, M. T. (2019). Pasalitang komunikasyon at self-confidence ng mga mag-aaral sa senior high school (Master’s thesis, Cebu Normal University).
Le, M. T., & Nguyen, T. B. (2023). Roles of cognitive linguistics to second language acquisition. ICTE Conference Proceedings, 3, 118–126. https://doi.org/10.54855/ictep.2339
Lopez, M. (2022, March). Wikang Filipino: Kasangkapan sa makabagong komunikasyon. Ang Dalubhasa (Official Magazine of CEC), 12–14.
Lumbera, B. (2000). Revaluation: Essays on literature, cultural politics, and the Filipino imagination. UST Publishing House.
Luo, Z. (2024). A review of Krashen’s input theory. Journal of Education, Humanities and Social Sciences, 26, 130–135. https://doi.org/10.54097/3fnf5786
Mahn, H., & Fazalehaq, H. M. (2020). Vygotsky and second language acquisition. In C. A. Chapelle (Ed.), The Encyclopedia of Applied Linguistics (1st ed., pp. 1–8). Wiley. https://doi.org/10.1002/9781405198431.wbeal1272.pub2
Martin, I. (2014). Mother tongue, other tongue: The politics of multilingual education in the Philippines. Language Problems and Language Planning, 38(2), 159–179.
Nolasco, R. (2009). Multilingual education in the Philippines: Reclaiming a tradition. UP Press.
Paz, C. (2006). Pagpapahayag: Mga batayang kaalaman at kasanayan. Lorimar Publishing.
Santiago, L. M. (2003). Ang Filipino bilang wikang pambansa. Rex Book Store.
Santos, E. (2023, February). Kasanayan sa wika: Hamon sa bagong normal. Sanghaya (College Student Magazine), 22–23.
Semorlan, R. (2008). Komunikasyong Pasalita. C & E Publishing.
Sirbu, A. (2015). The significance of language as a tool of communication. https://doi.org/10.21279/1454-864X
Tupas, R. (2015). Inequalities of multilingualism: Challenges to mother tongue-based multilingual education in the Philippines. Current Issues in Language Planning, 16(4), 432–448.
Tupas, R., & Lorente, B. (2014). A ‘new’ politics of language in the Philippines. Language Policy, 13, 335–352.
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2025 RAQUEL R. MAGOS, MIRAFLOR I. SALDUA (Author)

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivatives 4.0 International License.